Martes, Abril 3, 2012

Unemployed sentiments..

Magtatatlong linggo na akong tambay dito sa bahay. Magtatatlong linggo na naiiwan dahil busy sa kung ano-anong bagay ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko. Magtatatlong linggo na rin akong puro computer at pag napagod tv ang kaharap ko. Magtatatlong linggo na inuumaga sa walang kwentang bagay at gigising sa kung anong oras ko lang gusto. Magtatatlong linggo narin na kakain lang ako kung kelan ko gusto. Magtatatlong linggo na kung gusto ko lang maglinis ng bahay tsaka lang ako maglilinis.

Pero isa lang ang tiyak. Ang hirap maging unemployed!

May isang buwan pa ko para hintayin ang pagmamartsa ko, para makuha ko yung diplomang pinaghirapan (?) ko ng apat na taon. O sige, mas maganda siguro kung sasabihin ko na pinaghirapan ng kuya kong panganay at ng mga magulang ko sa sustentong pinansyal. Salamat na nga lang at kahit pano e nakakuha ko ng scholarship kay Congressman, na binibigay ko sa nanay ko ang 80% pambayad daw ng kung ano-anong ginagastos ko at yung 20% na iniipit ko sa mga kamay ko e, pambili ng kung ano-anong anik anik na kahit paano nagpapasaya sa pagkadalaga ko. Wow.

Gusto ko na ng may pagkakaabalahan. Gusto ko na umalis-alis sa bahay. Gusto ko na ma-stress sa polusyon at traffic sa kalsada. Gusto ko na magdamit ng pormal. Gusto ko na magsalita. Gusto ko na makipag plastikan sa mga taong nakakasalamuha ko. Gusto ko na dumaldal. Gusto ko na maging produktibo. Gusto ko na magbigay ng pera sa nanay ko. Gusto ko na. Gusto ko na magtrabaho. 

Nagpadala na ako ng mga resume sa iba't-ibang job portals, lahat ng kumpanya kahit di ko naman kilala basta hiring ang HR, Go ako! May dalawang sumagot tru email, na hindi daw ako qualified para sa posisyon na pinapasok ko. Yung isa naman nirereview pa daw nila ang qualifications ko. May mga nagtetext sakin at tinatanong kung interesado ako, at magsend daw ako ng email sa mga email address na binibigay nila. E di Go naman ako. Pinapatos ko lahat ng nakikita at sinasabi sakin tru text. Ayun, wala pa naman tumtawag sa akin. May mga nanghihingi ng resume ko, ibibigay daw nila sa kakilala nila, pero di ko pa nabibigay, madali lang naman magprint at madali ko lang mabibigay sa kanya kasi kapitbahay ko lang naman sya. Sana palarin ako dun, bukod sa malapit lang dito sa bahay namin, maganda daw ang compensation at mga benepisyo. :)

Sa totoo lang nakakadagdag pa sa pagkainis ko sa lagay ko ngayon, e yung nalalaman ko na yung iba kong kaklase ay na-absorb na ng mga company na pinag-ojt-han nila, yung iba naman for final interview na, at yung iba hired na agad. Ang masakit (somehow) yung mga taong alam mong mas may potensyal ka, sila pa yung may trabaho na ngayon. Saklap sa part ko. Ewan ko, baka masyado ko lang silang minamaliit. Malay ko naman na, magaling din pala talaga sila. HAYYYYYYYYY. -_-

Yung mga pictures na ina-upload sa FB na may caption na 'First day at work!', yung mga tweets at status na, 'OMG! Nakakapagod ang trabaho', 'Ayaw ako pakawalan nila boss at ma'am', yung mga group message na, 'Heading to office' and the likes. Ohhhhhhh! Screw them! Sila na. 

Ang hirap ng ganitong kalagayan. But i promise, hindi ako mananatiling ganito. Alam ko may naghihintay na opportunity para sa akin. Ohhh! Please Help me Lord! 


Welcome back!

Bagong blogger. Bagong password. Bagong username. Bagong profile. Bagong datas. Bagong mga kwento. Bagong graduate. Bagong ako. Bagong buhay? 

Iniwan ko yung una kong blogger, pati narin yung dalawa kong account sa tumblr. At ngayon, naisip ko na gusto kong magsulat ulit magkwento ba. Ayoko na sa tumblr, masyado na kasing maraming tao dun at pakiramdam ko masyado ng magulo ang mundo dun, mga pa-istaran ba? Haha ewan ko, baka naiintimidate lang ako sa mga blogs na nababasa ko dun at isa pa, dapat narin ibaon sa limot ang mga alaala ng nakalipas. :) Ayun na. So, sabi ko sa blogger na lang ako magbabalik loob, atleast tahimik, walang kakilalang masyadong gumagamit. Pilit kong inalala yung username at password ko, pero bigo ako. I don't have any choice but to create a new acount. Big deal? Haha Pero ginusto ko narin 'to, kunyari eto na 'yung mature part ng buhay ko. O sige, ulit. Eto na ang mature part ng buhay ko. Ipilit ko no?

Andaming nangyari sakin simula nung iniwanan ko ang pagsusulat, pagb-blog. Nakakatawa pero minsan ko narin na sinumpa yung ganito, kasi feeling ko nauudlot or walang kinahihinatnan lahat ng kinukwento ko dito, but it's the memories parin talaga after all. Nakakatawa na sinisi ko talaga dito yung nangyayari sakin e no. Anyway, forgive me though atleast i'm back! 

Simula na ulit, ng maraming kwento! :)