Lunes, Mayo 7, 2012

Tatay..


April 17,2012

Wala na si tatay. Wala na kaming Tatay na dadalawin at paiiyakin sa sobrang tawa. Wala na si Tatay na sumpungin. Wala na si Tatay na malambing at mapagmahal sa mga anak lalong lalo na sa mga apo. Wala na si Tatay na tatanggalan ko ng balbas at bigote. Wala na si Tatay na kukurot sa tagiliran ko. Wala na si Tatay.

Pero, maigi na kaysa makita pa namin syang nahihirapan dahil sa sakit. Masyadong maraming naituro si Tatay. Pagtuturong hindi sa salita kundi natuto kami dahil sa kanyang mga gawa, sa pagbibigay nya ng halimbawa. 
Maraming maraming salamat sayo Tatay! Dahil sayo nagkaroon ako ng mga tita at tito na kagaya ng mga tita at tito ko ngayon. Lalo na ang pagkakaroon ko ng Mama na kagaya ni Mama. Salamat. Maraming salamat! 
Tatay, nawala ka lang physically, pero ang mga ala-ala mo hindi kailanman matatabunan ng kung ano man. Mahal na mahal ka namin Tatay. Nag-iisa ka, wala kang katulad!



April 24,2012

Tatay’s interment.

Paalam, Sintang Paaralan!



Nakaupo ako noon sa lobby kung tawagin namin, sa ground floor ng main building ng sintang paaralan. Nagpunta ako doon para pumila at kumuha ng passes ticket ko at ng nanay at tatay ko para sa nalalapit kong pagmamartsa sa World Trade Center, Yes! gagraduate na talaga ko. Sure na sure to! Pero dahil ugali naming magkakaibigan ang maghintayan, nag-stay muna ako, dun nga sa south wing lobby, kasi mahirap pumila ng mag-isa e, nakakaboring dahil wala kang kakwentuhan. Na-upo muna ako sa gitna ng maraming tao na may iba’t-ibang agenda sa eskwelahan habang humihigop ako ng di ko sure kung malinis na melon shake na nabili ko kay kuya na andumi ng kamay at walang hair net at kung ano-anong hinahawakan at yung yelong gamit nya e naka expose madla sa north canteen. Hayaan mo na, mahalaga siguro e malamigan yung lalamunan ko. Hoo ang sarap ng mura’t maduming shake! Teka, medyo tumatagal ang paghihintay ko sa mga kaibigan ko, ng biglang may lumapit sa akin, isang nanay na may kasamang anak at may hawak na Xray result. “Ne, saan ba yung clinic dito?” Nakakatuwa kasi graduating na ko pero muka parin akong Nene pala, Thankyou ate! “Dito po, liko po kayo dyan, sa dulo po” ayun umalis na sila ‘di man lang nag thankyou. Ok lang, tinawag naman akong Nene.  Pagkatapos magtanong nila ate sa akin, andaming nang pumasok sa isip ko. Mga ala-ala na hindi ko na mababalikan pa sa apat na taon na pamamalagi ko sa sintang paaralan. Kasabay pa nga ng pageemote ko, e, mga saliw ng tugtuging pang tibak, na may temang makabayan (as usual), nasa hardcore rally ang mga tibak ngayon sa school kasama ang mga nasipang janitors, kasi may mga bagong hire na, na janitor mukang mas maayos at mas malilinis, sa totoo lang medyo may kadugyutan kasi yung mga janitor nung nag-aaral pa ko, so feeling ko dapat na sila talagang paalisin kahit pa sabihing mga tenure na sila, ngayon nasa huli ang pag sisi nila, e kung inayos nila e di sana di sila patatalsikin, tapos ngayon pilit silang nagsusumiksik sa school kung kailan huli na ang lahat. Opinyon lang ha. 

Balik. Nakakatuwang isipin, dati rati ako yung mukang tatanga tanga na nagtatanong kung saan yung ganito, ganyan. Pumipila ng mahaba dahil sa kagustuhang makahabol sa slot ng kursong gusto ko mapuntahan. Heto’t napakagulo sa skul, mga incoming freshman na may dala-dalang xray results, mga folder na nagkakapalan dahil sa requirements, pila sa cashier, pila sa clinic. At pag tingin ko sa kabilang banda, nakita ko naman yung mga graduating students na nagkukumahog na humabol sa huling mga araw ng pagbabayad ng grad fee, mga graduating students na nagtatawanan at abot tenga ang mga ngiting sinusukat ang mga togang itim kasama ng mga graduation cap na gagamitin nila. Wow. Isa ata ako sa kanila. ;)

Excited na ko grumaduate, excited na kasi akong suotin yung dress ko, excited na ko mag pamakeup, excited na ko sa mga graduation gifts na matatanggap ko, excited na ko sa family bonding after graduation, oo excited na rin ako mag karoon ng trabaho at sariling pera. Pero pag tumitingin ako sa paligid ng PUP at nakikinig sa mga tugtuging aktibista, hindi mo maaalis sakin ang pagkalungkot. Apat na taon. Apat na taon na pagod, pawis, puyat, tawanan, iyakan, kaba, dugo, gutom, uhaw, waldasan ng pera ang pinuhunan ko dito, sa PUP. Lahat, lahat, lahat-lahat ng mga bagay na nakikita ko, sigurado mamimiss ko. 

Salamat PUP! Sa napakaraming bagay na natutunan ko sayo, sa pagbubukas ng mata ko sa totoong klase ng buhay, sa mga propesor na nagpakaba sa akin, sa mga tambayan na pinagamit mo sa akin sa madalas na wala kaming magawa, sa pagpapakilala sa mga totoong tao na tatanggapin ang tunay na ako, sa iba’t-ibang uri ng tao na dapat kong pakibagayan, sa mga masasarap at maduduming pagkain, sa mga nakakahiyang experiences, sa pagkandili sa akin sa apat na taon. Handa na ko! Handa na ko sa panibagong buhay. Handa na ko sa realidad ng buhay na kakaharapin ko. Salamat sa pamantasan na tumulong sakin para maging ako!

Maraming Salamat!

Martes, Abril 3, 2012

Unemployed sentiments..

Magtatatlong linggo na akong tambay dito sa bahay. Magtatatlong linggo na naiiwan dahil busy sa kung ano-anong bagay ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko. Magtatatlong linggo na rin akong puro computer at pag napagod tv ang kaharap ko. Magtatatlong linggo na inuumaga sa walang kwentang bagay at gigising sa kung anong oras ko lang gusto. Magtatatlong linggo narin na kakain lang ako kung kelan ko gusto. Magtatatlong linggo na kung gusto ko lang maglinis ng bahay tsaka lang ako maglilinis.

Pero isa lang ang tiyak. Ang hirap maging unemployed!

May isang buwan pa ko para hintayin ang pagmamartsa ko, para makuha ko yung diplomang pinaghirapan (?) ko ng apat na taon. O sige, mas maganda siguro kung sasabihin ko na pinaghirapan ng kuya kong panganay at ng mga magulang ko sa sustentong pinansyal. Salamat na nga lang at kahit pano e nakakuha ko ng scholarship kay Congressman, na binibigay ko sa nanay ko ang 80% pambayad daw ng kung ano-anong ginagastos ko at yung 20% na iniipit ko sa mga kamay ko e, pambili ng kung ano-anong anik anik na kahit paano nagpapasaya sa pagkadalaga ko. Wow.

Gusto ko na ng may pagkakaabalahan. Gusto ko na umalis-alis sa bahay. Gusto ko na ma-stress sa polusyon at traffic sa kalsada. Gusto ko na magdamit ng pormal. Gusto ko na magsalita. Gusto ko na makipag plastikan sa mga taong nakakasalamuha ko. Gusto ko na dumaldal. Gusto ko na maging produktibo. Gusto ko na magbigay ng pera sa nanay ko. Gusto ko na. Gusto ko na magtrabaho. 

Nagpadala na ako ng mga resume sa iba't-ibang job portals, lahat ng kumpanya kahit di ko naman kilala basta hiring ang HR, Go ako! May dalawang sumagot tru email, na hindi daw ako qualified para sa posisyon na pinapasok ko. Yung isa naman nirereview pa daw nila ang qualifications ko. May mga nagtetext sakin at tinatanong kung interesado ako, at magsend daw ako ng email sa mga email address na binibigay nila. E di Go naman ako. Pinapatos ko lahat ng nakikita at sinasabi sakin tru text. Ayun, wala pa naman tumtawag sa akin. May mga nanghihingi ng resume ko, ibibigay daw nila sa kakilala nila, pero di ko pa nabibigay, madali lang naman magprint at madali ko lang mabibigay sa kanya kasi kapitbahay ko lang naman sya. Sana palarin ako dun, bukod sa malapit lang dito sa bahay namin, maganda daw ang compensation at mga benepisyo. :)

Sa totoo lang nakakadagdag pa sa pagkainis ko sa lagay ko ngayon, e yung nalalaman ko na yung iba kong kaklase ay na-absorb na ng mga company na pinag-ojt-han nila, yung iba naman for final interview na, at yung iba hired na agad. Ang masakit (somehow) yung mga taong alam mong mas may potensyal ka, sila pa yung may trabaho na ngayon. Saklap sa part ko. Ewan ko, baka masyado ko lang silang minamaliit. Malay ko naman na, magaling din pala talaga sila. HAYYYYYYYYY. -_-

Yung mga pictures na ina-upload sa FB na may caption na 'First day at work!', yung mga tweets at status na, 'OMG! Nakakapagod ang trabaho', 'Ayaw ako pakawalan nila boss at ma'am', yung mga group message na, 'Heading to office' and the likes. Ohhhhhhh! Screw them! Sila na. 

Ang hirap ng ganitong kalagayan. But i promise, hindi ako mananatiling ganito. Alam ko may naghihintay na opportunity para sa akin. Ohhh! Please Help me Lord! 


Welcome back!

Bagong blogger. Bagong password. Bagong username. Bagong profile. Bagong datas. Bagong mga kwento. Bagong graduate. Bagong ako. Bagong buhay? 

Iniwan ko yung una kong blogger, pati narin yung dalawa kong account sa tumblr. At ngayon, naisip ko na gusto kong magsulat ulit magkwento ba. Ayoko na sa tumblr, masyado na kasing maraming tao dun at pakiramdam ko masyado ng magulo ang mundo dun, mga pa-istaran ba? Haha ewan ko, baka naiintimidate lang ako sa mga blogs na nababasa ko dun at isa pa, dapat narin ibaon sa limot ang mga alaala ng nakalipas. :) Ayun na. So, sabi ko sa blogger na lang ako magbabalik loob, atleast tahimik, walang kakilalang masyadong gumagamit. Pilit kong inalala yung username at password ko, pero bigo ako. I don't have any choice but to create a new acount. Big deal? Haha Pero ginusto ko narin 'to, kunyari eto na 'yung mature part ng buhay ko. O sige, ulit. Eto na ang mature part ng buhay ko. Ipilit ko no?

Andaming nangyari sakin simula nung iniwanan ko ang pagsusulat, pagb-blog. Nakakatawa pero minsan ko narin na sinumpa yung ganito, kasi feeling ko nauudlot or walang kinahihinatnan lahat ng kinukwento ko dito, but it's the memories parin talaga after all. Nakakatawa na sinisi ko talaga dito yung nangyayari sakin e no. Anyway, forgive me though atleast i'm back! 

Simula na ulit, ng maraming kwento! :)